fbpx

“Entrepreneurial mindset,” isinusulong ng DA-4A parasa mga magsasaka

“Entrepreneurial mindset,” isinusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para
sa mga magsasaka tungo sa mas malaking kita at malawak na oportunidad.


Ayon kay G. Alfrio Cortez, kawani ng DA-4A Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2)
Program, hindi lamang dapat sa produksyon umiikot ang gawain ng isang magsasaka, kinakailangan
din nito na buksan ang kanyang kaisipan sa mga bagong opurtunidad upang mas mapataas ang kita
at mabawasan ang mga nasasayang na ani mula sa labis na produksyon.

“Ang pagtatak ng kaisipang entreprenuryal sa mga magsasaka ay magtutulak sa kanila upang
makapag-isip, makapagplano at makapagsimula ng bagong negosyo base sa kanilang mga ani o mga
aktibidad sa bukid. Halimbawa ay ang pagpoproseso ng ani para sa panibagong produkto,
pagpapalawak ng mga koneksyon para bagsakan ng produkto, at pagpapatayo ng mga cold storages
para mas mapatagal ang buhay ng mga ani,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nagsasagawa ang DA-4A, sa ilalim ng F2C2 Program ng mga pagsasanay ukol sa
Business Planning and Enterprise Development, Leadership and Organizational Management Skills
Training, Agri-Entreprenuership Clustering Approach, Formulation of Enterprise Operation Manual at
Product Development para sa mga samahan ng magsasakang parte na ng cluster.

Sa pamamagitan nito, natututo ang mga lider-magsasaka na bumuo ng sariling plano para sa
pagsisimula ng mga posibleng bagong negosyo ng may kaakibat na pinansiyal na pamamahala. Ang
negosyong kanilang maaaring simulan ay base na rin sa mga nagiging ani o produkto ng kanya-
kanyang clusters.

Aabot na 42 lider-magsasaka mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon ang nakadalo na sa mga naturang
pagsasanay. | DA-CALABARZON

About Author