Arestado ang isang lalaki matapos nitong tagain ang sarili nitong ama sa Barangay Ibabao, Cuenca Batangas nitong Linggo, Hunyo 11.
Kinilala ang suspek na si Junar Medina, 38 anyos, residente ng naturang barangay.
Ang naturang suspek ay anak pa mismo ng biktima na sarili nitong ama na kinilala naman na si Leopoldo Medina, 77 anyos at residente rin ng naturang barangay.
Sa imbestigasyon ng Cuenca MPS ay nasa impluwensya umano ng alak ang suspek at bigla na lamang nagalit sa biktima. Kinuha umano nito ang isang bolo at bigla na lamang pumasok sa isang silid kung saan naroon ang ama at pinagtataga ito.
Kaagad naman rumesponde ang mga awtoridad upang makipag-negosasyon sa suspek ngunit tumanggi ito at nanlaban.
Sa kabilang banda, habang patuloy ang negosasyon ay kinorner ng mga awtoridad ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto rito.
Kaagad naman isinugod sa Ospital ang biktima para sa atensyong medikal kung saan nagtamo ito ng iba’t ibang tama ng pananaga sa katawan.
Samantala, narekober naman mula sa suspek ang bolo o itak na ginamit sa pananaga. | J.Samarita, BChannel News intern