fbpx

DALAWANG TELLER SA SABUNGAN, ARESTADO SA PAGNANAKAW SA LAUREL BATANGAS

Arestado ang dalawang teller sa sabungan matapos umanong magnakaw sa Laurel Cockpit Arena sa Brgy. Bugaan West, Laurel, Batangas nitong Huwebes (Hunyo 15) ng hapon.

Batay sa ulat ng Laurel Municipal Police Station, inireklamo ng manager ng sabungan ang nangyaring pagnanakaw umano ng dalawa.

Ayon sa report ng Laurel Police, bandang alas-tres ng hapon nang maglaro ang mga suspek sa kani-kanilang teller machine at nagtaya gamit ang account nila hanggang sa umabot ito ng P129,000 na pagkatalo.

Sa ngayon, inaayos na ang dokumento para sa kasong mahaharap sa kanilang dalawa.

UPDATE | 4:15 PM Friday | Sa panayam ng News Team sa Laurel Municipal Police Station kay Police Major Edgar M. Sumadsad, nilinaw nito na nakapagbayad na umano ang mga suspek sa nagrereklamong biktima kung kaya’t nadismiss na ang kinakaharap na kaso ng dalawang babae. | J.M. Amistoso, BChannel News

About Author