Namigay ng P4,920,000 na tulong pinansyal ang Department of Agriculture IV-CALABARZON sa 984 na maliit na magpapalay sa Quezon sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) sa Catanauan at Unisan noong ika-22 hanggang ika-23 ng Hunyo.
Nakatanggap ng tig-P5,000 bawat isa ang mga magsasaka na nakakapagtanim sa hindi lalagpas na 2 ektarya at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors jn Agriculture (RSBSA).
Ang tulong pinansyal na pinapamahagi ng RCEF-RFFA ay nagmumula sa mga taripa ma nakokolekta mula sa pag-aangkat ng bigas.
Nanguna sa pamamahagi sina DA-4A Regional Executive Director Milo delos Reyes,
Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Quezon Cong. Reynan Arrogancia, Punong-bayan ng
Catanauan na si Mayor Ramon Orfanel, Punong-bayan ng Unisan na si Mayor Ferdinand
Adulta, kinatawan ni Governor Helen Tan: Board Member JJ Aquivido, at iba pang mga
opisyal ng lokal na pamahalaan at DA-4A.
Samantala, nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Danilo Aguilar, isa sa mga magpapalay na nakatanggap ng P5,000, dahil malaking tulong daw ito sa pambili ng krudo para sa water pump na ginagamit niya sa kaniyang palayan. | BChannel News