Dead-on-arrival ang isang menor de edad nang aksidenteng mahawakan ang live wire, noong Miyerkules dakong alas 4:50 ng hapon sa Brgy., Santol Balayan, Batangas.
Ayon sa report ng Balayan Police, bandang alas-8:00 ng gabi nang magtungo sa pulsiya ang ama ng biktima na si Reynaldo Caringal at ang kinakasama nito upang ipaalam ang nangyaring insedente sa kanilang anak.
Ayon sa ama ng biktima, umakyat ang kanyang anak sa puno ng santol upang mamitas ng bunga ng santol nang aksidenteng mapahawak sa isang live wire na agad nitong ikina-kuryente.
Naisugod pa ang biktima sa Hospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival. Sa ngayon ay patuloy pa ding iniimbestigan ang nangyaring insidente. | A.Enero, BChannel News