fbpx

BGYO Nate, AC Bonifacio, Criza Taa, at iba pang artists, malaking issue ang kinahaharap ngayon!

Patong-patong na issue ang kinahaharap ngayon ni Nate Porcalla – na isa sa members ng Philippine boy group na BGYO. Cheating on AC Bonifacio? Usage of drugs? Possession of illegal firearms? Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito inaakusahan ng mga bagay na ito?

Trending ngayon sa Twitter ang leaked conversations ng aktres na si AC Bonifacio at ng iba kung saan inilalahad nito ang kanyang saloobin tungkol sa ex-boyfriend nito na si Nate. Ayon sa lumabas na leaked conversation, malaking pagsubok ang dinanas nito sa relasyon nila ng boy group member dahil sa pag-ccheat nito sa aktres, paggamit ng ipinagbabawal na droga, at ang pagkakaroon nito ng baril– kung saan nadanggwit pa ang pangalan ng isa pa sa mga members ng BGYO na si Gelo, dahil umano nagmamay-ari rin ito ng baril. Ayon pa sa isa sa mga leaked conversations, pinagbantaan ni Nate ang buhay ni AC matapos malaman na may bago na itong dine-date matapos ang break up ng dalawa.

Nadamay rin ang aktres na si Criza Taa at ang influencer na si Choc dahil naging “kabit” umano ang mga ito ni Nate. Agad namang naglabas ng pahayag si Criza sa kanyang Twitter account kung saan itinanggi nito ang akusasyon sa kanya. Saad pa ng aktres sa kanyang tweet, “here to address the issue, i’m not with bgyo nate. never dated him/went out with him. i have NOTHING to do with the issue. Ac & i talked already, she apologized and we’re ok. I hope we don’t believe whatever we see on social media esp without proof di para maging kabit huy!!”. Ni-retweet naman ni AC ang naturang tweet ni Criza kung saan sinabi nitong , “Criza and I know the whole truth. She and I talked already and she had nothing to do with this po. Maraming nadadamay and sadly, nasali pa po kami ni Criza. Thank you, Criza. Hope this cleared things out.”

Naglabas na rin ng pahayag si Choc sa kanyang Twitter account kung saan ibinahagi nito na minanipula lamang siya ni Nate at sa buong pagkakaakala nito ay walang girlfriend ang BGYO member.

Ayon pa dito, wala sila parehas alam ni AC tungkol sa panloloko ni Nate sa kanila, ngunit nang malaman nito na girlfriend pala ni Nate si AC ay agad nitong kinausap si AC.

Nilinaw rin ni Choc na isa lamang siyang biktima at hindi nito i-eentertain si Nate kung alam nitong may girlfriend siya. Sa ngayon ay wala pang pruweba sa akusasyon sa BGYO member na si Nate ukol sa paggamit nito ng drugs at possession of illegal firearms, ngunit tila ay kumpirmado na ang cheating issue nito dahil sa naging pahayag nina AC, Criza, at Choc. | 📸 Criza Taa/AC/BGYO Nate

About Author