
Matagumpay na naisagawa ang Verde Island Passage (VIP) Bike Challenge 71km sa Batangas City, Batangas ngayong Sabado Hulyo 22, 2023.

Nagsimula ang pagpadyak ng mga magigiting na cyclist dakong alas 5:15 A.M. sa PonteFino Hotel sa Batangas City, kung saan nilahukan ng nasa mahigit 255 na cyclist mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Layunin ng Verde Island Passage Bike Challenge, na lalo pang maitaguyod ang kamalayan sa kapaligiran at maipakilala ang mga bayan ng Lobo, Taysan, at Batangas City upang mai-promote ang pangangalaga sa VIP.

Naging 1st Stop ang Monte Maria, 2nd Stop De Lapaz Proper (Verde Island View ), 3rd Stop ang Lobo, 4th Stop ang Taysan, Batangas.

Samantala, itinanghal naman bilang 1st finisher ang cyclist mula sa Laguna na si Gab Loste, kung saan natapos nito ang challenge ng 2 oras at 15 minuto.

Ang naturang event ay handog ni Congressman Marvey Mariño, Batangas City Mayor Beverly Dimacuha, at sa pakikipagtulungan ng mga iba’t ibang organisasyon sa probinsya ng Batangas para sa selebrasyong ng ika-54th Founding Anniversary ng Batangas City at pagdiriwang ng Sublian Festival 2023.


Nakilahok din sa naturang Fun Ride sina Newt Lobete, Ian How & Team APOL, mga Youtube Celebrity na sina Leian Cruz, Aira Lopez, Mico Ferrer, DJ Chacha, at marami pang iba.

Ayon naman sa maraming siklista, nag-enjoy sila sa ganda ng view na kanilang nadaraanan, mga inihandang pagkain at inumin.

Naging organisado rin ang event sa tulong ng mga Marshalls, Ambulance, Philippine National Police, lokal na pamahalaan ng Taysan, Lobo, at lungsod ng Batangas.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng organizer na si Engr. Christian B. Clemeno, at Mr. Enan Babasa, sa lahat ng mga taong naging bahagi upang maisakatuparan ang pangmalakasang Fun Ride.