fbpx

MAG LIVE-IN PARTNER, PATAY MATAPOS MATABUNAN NG LUPA SA LIPA CITY, BATANGAS

Nasawi ang mag live-in partner matapos matabunan ng lupa habang natutulog bandang alas-6:40 ng umaga noong ika-27 ng Hulyo sa Purok 4, Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo Bathan, 48-anyos at partner nito na si Marllen Rapsing, 34-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Ayon sa Lipa City Police Station, nagpunta mismo sa kanilang tanggapan ang anak ng biktima na si Wilfred Bathan para i-report ang insidente.

Ayon sa pahayag ni Wilfred, natutulog lang umano ang kaniyang mga magulang nang bumagsak mismo sa kanilang kwarto ang lupa dahil sa malakas na ulan dulot ng bagyo.

Narescue naman agad ng mga Barangay officials ang bangkay ng mga biktima at dinala na sa pinakamalapit na punerarya. | A.J. Bayani, BChannel News

About Author