Binaril ang isang lalaki ng 32-anyos na magsasaka matapos silang magkainitan sa Brgy. Tuyon-Tuyon Tuy, Batangas ala-sais ng gabi nitong Biyernes.
Napag-alaman na ang biktima ay si Boy Ingram Untal, 35-anyos, isang magsasaka, na residente ng nasabing lugar at kinilala naman ang suspek na si Raszel Perez, na residente naman ng Brgy. Acle, Tuy, Batangas.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Tuy MPS, nagkainitan umano ang dalawang lalaki patungkol sa mga trabaho ng mga ito, nang biglang binaril ng suspek ang biktima sa kaliwang paa, at matapos ang nangyaring insidente ay naaresto din kaagad ang suspek ng mga rumespondeng pulis habang ang biktima naman ay naisugod din kaagad sa hospital.
Narekober sa suspek ang kalibre 22 na revolver, (3) tatlong bala at (1) isang basyo ng bala.
Ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso. | J.C. Malabanan, BChannel News