Dead-on-the spot ang isang driver ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, makaraang pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa Rotonda ng Barangay Ermita-Calzada Balayan, Batangas dakong alas 4:44 ng hapon nitong Agosto 4.
Kinilala ng Balayan MPS, ang biktima na si Edgardo Sanbuenaventura Jr, 51-anyos, residente sa Barangay District 10 ng Balayan.
Ayon sa report ng Balayan Police, habang naglalakad patungo sa Talipapa ang biktima ay bigla na lang dumating ang dalawang sakay ng motorsiklo mula sa likuran nito at agad na pinagababaril ang biktima na agad niya ikinamatay.
Mabilis naman tumakas ang mga suspek patungo sa Brgy. Gumamela Balayan, matapos ang ginawang krimen.
Nakuha sa pinangyarihan ang 11 mga basyo mula sa kalibre .45 na pistola.
Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya at ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo sa likod ng insidente.
Samantala, sumisigaw naman ng hustisya ang mga kaanak at kaibigan ng biktima na isang driver sa opisina ni Cong. Buhain upang managot ang mga salarin.