fbpx

ISA PATAY, SA SALPUKAN NG TRUCK AT MOTORSIKLO SA ROSARIO, BATANGAS

Patay ang isang pintor na sakay ng minamanehong motorsiklo, matapos magulungan na isang 10 wheeler truck dakong alas kwatro ng hapon noong Sabado, ika-12 ng Agosto sa national hi-way sa Brgy. Masaya, Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario Police Station ang truck driver na si Cresencio Espiritu Jr., residente ng Tanauan City, Batangas habang ang nasawing biktima ay si Vener Bool, mula sa Batangas City.

Ayon sa report ng Rosario MPS, nang makarating ang minamanehong 10 wheel truck sa Brgy San Ignacio Rosario, Batangas, nag-overtake umano ang motorsiklo dahilan nang pagtama ng kaliwang manibela nito sa gulong at pagkawala ng kontrol na dahilan ng pagbagsak nito sa kalsada kung kaya’t nagulungan ito ng truck.

Isinugod pa ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima sa Hospital, at sinubukan pa itong i-revive ngunit sa kasamaang palad pumanaw din ang biktima dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang naturang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. |

About Author