fbpx

BETERANANG AKTRES NA SI ANGIE FERRO, PUMANAW NA

Pumanaw na ang beteranong aktres at Lola Igna star na si Angie Ferro sa edad na 86, ika-17 ng Agosto. 

Kinumpirma ng apo ng aktres na si Lorelie Futol na pumanaw ang kaniyang lola bandang 4:56 ng hapon at wala pang binigay na anumang detalye sa rason ng pagkasawi nito.

Matatandaang ilang beses nang na-stroke ang aktres at napabalitaan ding naospital noong kalagitnaan ng taong 2022 matapos madawit sa minor accident na kinumpirma ng film production outfit Sine Olivia Pilipinas.

Itinanghal ang aktres bilang best actress sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino sa pagganap bilang  Lola Igna sa pelikulang “Lola Igna” at nanalo bilang best supporting actress sa 27th FAMAS noong 1979 sa pelikulang, “Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak”.

Ipinanganak si Ferro noong ika-4 ng Agosto taong 1937 sa Baleno, Masbate  at huling lumabas sa pelikulang “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan”. | Janna, BChannel News intern

About Author