Umaabot sa 11 katao mula sa Calatagan, Batangas ang hinihinalang naging biktima umano ng food poisoning nito lamang Huwebes, Sept. 21 nang kumain ng pritong manok na binili sa isang fast food chain (pizza) sa Balayan, Batangas.
Ang mga naturang biktima ay mga empleyado ng isang poultry farm sa Calatagan.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Calatagan MPS at ayon sa salaysay ng mga biktima, hapon ng September 21 ng dinala umano ang mga biktima sa ospital sa Calatagan matapos makaranas umano ng pagsusuka, pagkahilo, pagsakit ng tiyan at diarrhea dahil sa pagkain ng mabaho raw umanong lutong manok na inorder nila sa isang fast food chain.
Nasa kustodiya na ng Calatagan Police ang mga pagkaing nakalap nila sa fastfood chain at kasalukuyang naisumite na sa Batangas Provincial Laboratory para sa isang examination.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag ang naturang fast food chain (pizza) ukol sa insidente.