Arestado ang tatlo kabilang ang 2 security guard matapos makupiskahan ng ilang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon, baril at mga bala, sa Sitio Balso Brgy. Calahan, Cardona Rizal nitong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng sumbong tungkol sa laganap na bentahan ng pinagbabawal na droga sa nasabing lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang labindalawang (12) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 82.3 gramo na may halagang Php559,640.00., isang kalibre .45 na baril, at buy-bust money na nagkakahalaga ng Php 1,000.00.
Sa kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa kustodiya ng pulisya na nahaharap sa mga kaukulang kaso. | Rizal PNP