fbpx

Tatlong lalaki na sangkot sa pambubugbog, arestado sa Tanauan City Batangas

Arestado ang tatlong kalalakihan na sangkot sa pambubugbog sa dalawang biktima noong Huwebes ng gabi sa Barangay Balele, Tanauan City, Batangas.

Base sa imbestigasyon, sakay ng isang pampasaherong jeepney ang tatlong suspek na pawang mga naka-inom ng alak nang bumaba ang isang suspek na alyas “Nico”.

Subalit ang biktima na si Rodelio Ofrim na sakay ng kanyang motorsiklo ay biglang napahinto dahil sa pagbaba ng suspek na si Nico.

Dito na biglang pinagsusuntok ni “Nico” ang biktima sa mukha at pagkatapos ay sumakay ulit sa jeepney para tumakas ngunit naharang ang sinasakyan nilang jeepney ng isang awtoridad mula sa Barangay Public Safety Office. Tinangka pa pigilan nito ang pagtakas ng tatlong suspek ngunit hindi nakinig at maging ito ay binugbog din ng mga suspek.

Humingi naman ng tulong sa kapulisan ang mga biktima na dahilan upang mahuli ang mga suspek.

Sa ngayon nasa kustodiya ang mga suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

About Author