fbpx

54 pasahero, 9 crew nasagip sa nasirang barko sa Nasugbu, Batangas

Nasagip ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog ang nasa limampu’t apat na pasahero at siyam na tripulante nang pumalya ang makina ng MV Our Lady of Fatima 03 sa Nasugbu, Batangas nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa PCG, patungo na sana ang barko sa Fortune Island sa Nasugbu, mula sa Port of Tilik, Lubang, Occidental Mindoro nang mangyari ang insidente.

Sa ulat ng Coast Guard, habang naglalayag ang barko sa pagitan ng Ambil Island sa Looc, Occidental Mindoro at Fortune Island nang bigla umanong tumigil ang makina nito.

Dahil dito, agad nagsagawa ng towing operations sa naturang barko kung saan hinila ito ng MV Lubang Express nang nasa maayos na kondisyon ang lahat ng pasahero at crew.

About Author