Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng isang lalaki matapos magulungan ng apat na sasakyan habang ito ay nag-aasist ng isang trailer truck sa Brgy Paliparan, Dasmarinas City, Cavite noong Sabado ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinutulungan na-i-assist ng biktima na si Jobby Jimenez, ang trailer truck na umikot sa harapan ng Omega warehouse nang mabangga ito ng isang kotse.
Subalit habang nakahandusay ito sa kalsada ay nagulungan naman ito ng isang SUV, at pagkatapos ay sumunod pa ang dalawang kotse na gumulong sa katawan nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.