Patay sa pananaga ng sarili niyang lola ang isang 12-anyos na batang lalaki sa Barangay Bohe-Sapa Lamitan City, Basilan, kamakailan.
Sa police report, natagpuan ng mga pulis ang katawan ng biktima sa taniman ng niyog na duguan nang pagtatagain umano ng suspek na si Marilou Tumangquiz, 53-anyos na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip.
Ayon sa imbestigasyon, dinala ng lola ang biktima sa kalapit na taniman ng niyog, kung saan itinali nito ang mga kamay at tinadtad ng taga sa ulo, katawan, kamay at paa hanggang sa mamatay.
Agad namang rumesponde ang mga barangay official sa lugar at inaresto ang lola na umamin sa krimen.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen