Sa kulungan ang bagsak ng 26-anyos na babae na itinuturing na No. 1 Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nitong Sabado ng gabi sa Brgy. Dumantay, Batangas City.
Sa report ng Batangas Police, inaresto ang akusado na si Danica Arquillo, sa bisa ng Warrant of Arrest dahil umano sa kasong Violation of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.
Kasalukuyang nasa kustudiya ng Batangas CPS ang akusado at walang piyansang itinalaga para sa pansamantala nitong kalayaan.