Matagumpay na pinasinayaan ang mobile care ngayong Lunes sa Municipal Hall ng Malvar Batangas matapos ang turn over ceremony sa pangunguna nina Rotary Club of Malvar Hope of Creating President, Mr. Tomy Sadsad, Global Grant Chairman, Mr. Nicasio Bordeos Jr. at Mayora Cristeta Cuevas-Reyes.
Kabilang din sa mga dumalo sa turn over na ito ang Presidente at ilang Miyembro ng Rotary Club of Samcheonpo-Jungang, Pres. Sunkyun Shin, na nagmula pa sa South Korea.
Layunin ng mobile care ng “Rotary Health Care for Moms” na maglibot at magbigay ng tulong sa mga buntis na kababaihan sa mga residente ng Malvar sa pamamagitan ng libreng check-up at gamot.
Sa pakikipatulungan ng Rotary Club Foundation, District 3590, District 3710, District 3820, at iba pa ay naisakatuparan ang turn over ng first ever global grant of Rotary Club of Malvar.
Lubos naman ang pasasalamat ng Malvar LGU sa kanilang natanggap na proyekto mula sa naturang organisasyon.