Patay ang dalawang rider matapos magkabanggaan ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Santa Anastacia, Sto Tomas City, Batangas nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police Station, habang binabagtas ng dalawang biktima ang naturang daan ay aksidente umanong nagkasalpukan ang mga ito. Posible umanong mabilis ang pagpapatakbo ng dalawang rider.
Dahil sa lakas ng impak, nagdulot ito ng grabeng sugat at pinsala sa kanilang katawan.
Naisugod pa ang dalawa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.
Sa ngayon, patuloy ang karagdagang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang aksidente.