
Karumal-dumal ang sinapit ng 11-anyos na batang babae matapos matagpuan ang bangkay nito na hubo’t-hubad, nakadapa sa damuhan, at sugatan sa bahagi ng Barangay Tamiawon, Garchitorena, Camarines Sur noong Lunes Pebrero, 12.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-igib lamang umano ng tubig ang biktima pero hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang mahuli ang salarin sa krimen.
Sumisigaw naman ng hustisya ang kapamilya, at mga kaibigan ng biktima.
Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.