fbpx

Babaeng tumatawid sa kalsada, patay nang mabangga ng motorsiklo sa Batangas City

Nasawi ang 57-anyos na babae matapos siyang mabundol ng isang humaharurot na motorsiklo sa National Road Brgy Alangilan Batangas City nitong Lunes dakong alas 5:35 ng umaga.

Kinilala ng Batangas CPS ang biktima na si Marilyn Fernando, residente ng Brgy. Wawa Purok 6. Batangas City habang rider ay si Victor Dagala, 42 anyos.

Makikita sa kuha ng CCTV footage habang tumatawid ang biktima sa naturang daan ay sinalpok ito ng paparating na motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakabangga, parehong tumilapon ang rider at biktima na kapwa nagtamo ng grabeng sugat sa katawan.

Nadala pa ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong sugat nito sa ibat ibang bahagi ng katawan. Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Batangas City sa naturang insidente.

About Author