Natagpuang patay ang isang 40-anyos na lalaki sa kanyang sariling bangka sa Brgy. Tipaz, San Juan, Batangas pasado alas 5 ng hapon nitong Martes.
Nakilala ng San Juan MPS ang biktima na si Wilmir Rodriguez, isang magbubuhangin, at Residente ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigayon ng pulisya, pasado alas 9:00 ng umaga nang umalis ang biktima upang magpunta sa trabaho. At dahil hindi pa bumabalik ang lalaki, agad itong hinanap ng kanyang kaanak subalit natagpuan na lamang ang katawan nito na wala nang buhay.
Ayon sa kinakasama ng biktima madalas umanong sumasakit ang dibdib nito dahil sa kondisyon sa puso. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigayon ng mga pulisya, habang ang bangkay ng biktima ay inihahanda para sa otopsiya.