Patay ang motorcycle rider makaraang sumemplang ang kaniyang sasakyan at magulungan ng isang bus sa Maharlika Highway sa Brgy. San Miguel, Sto Tomas City, Batangas nitong Martes ng umaga.
Ayon sa Sto Tomas City Police Station, habang binabagtas ng 39-anyos na biktima ang naturang kalsada ay bigla na lang ito sumemplang dulot umano ng madulas na daan.
Dahil dito napapunta sa gitna ng kalsada ang biktima habang nagulungan naman siya ng paparating na bus.
Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival dahil sa tinamong grabeng sugat nitong sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing aksidente.