fbpx

Pulis, nahulog sa kanyang patrol car; patay nang magulungan ng pick-up truck sa Bulacan

Patay ang isang pulis matapos mahulog sa sinasakyang patrol car at magulungan ng isang pick-up sa national highway ng Brgy. Balite, San Miguel, Bulacan nitong Miyerkules dakong 5:00 ng madaling araw.

Ayon sa report ng Bulacan Police, patungo na sana sa Manila ang biktima na si Patrolman Edmond John Arenas, 26-anyos, kasama ang driver ng police-marked vehicle na si Patrolman Klein Orbita nang bigla itong mahulog mula sa sasakyan.

Matapos mahulog, nasagasaan din ito ng pick-up na pag-aari naman ng local government sa Nueva Vizcaya at minamaneho ni Joel Rivera, 53-anyos.

Dahil sa grabeng pinsala na tinamo nito sa katawan ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang aksidente habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pick-up at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.

About Author