Nasawi ang isang sisentay tres anyos na lola matapos mabangga ng tanker habang tumatawid sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Barangay 105, Tondo, Manila nitong Miyerkules.
Kinilala ng Manila Police ang biktima na si Teresita Oliva, habang ang driver ng truck ay si Danilo Layog, 51-anyos, residente sa Siniloan Laguna.
Batay sa kuha ng CCTV, habang binabagtas ng tanker truck ang nasabing lugar, tumawid ang biktima, nabangga ito at nagulungan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Hawak na ngayon ng awtoridad ang driver na posibleng maharap na kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.