Muling humirit ng patama umano ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Filipino Talk show host na si Cristy Fermin sa kanyang Twitter post nitong Lunes, Marso 25, 2024.

Sa post ni Vice nagbahagi ito ng isang memes na tila ba nagsagutan at may text na “Nanggigigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tayo! Daliiii!,” sagot naman ng isa “Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!“, at may caption ito na “Bwak bwak bwak bwak”.
Matatandaang nito lamang Lunes ay tila pinatamaan rin ni Vice si Cristy Fermin sa kanilang Noontime Show na It’s Showtime, aniya “Hindi lahat ng electric fan madam, yung iba si Cristy Fermin,” “Hindi sya madam, bwakbwakbwakbwak,” dagdag pa nito.
Marami namang mga netizens ang naaliw at nagbigay ng mga komento.
“Ano ba yan nakakatakot😂 may palaspas ba tayo?,” komento ng isang netizen.
“OMG Kulang ata sila sa Holy Water!,” komento pa ng isang netizen. | 📸: vicegandako/Twitter | A.Carpio, BChannel News Intern