fbpx

Janine Gutierrez, ayaw munang makatrabaho si Paulo Avelino? Special nga ba si Kim Chui kay Paulo?

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang naging topic na binahagi ni Ogie Diaz na tila ayaw umano munang makatrabaho ng aktres na si Janine Gutierrez ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Sa pinakabagong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” na inilabas noong Biyernes, Marso 29, 2024, binahagi ni Ogie ang mga saloobin at detalye ukol sa sitwasyon.

 “Ako naman—kahit hindi sabihin ‘yon, ha—syempre ‘di ka muna makikipagtrabaho. Parang wala pang maayos na closure,” pahayag ni Ogie sa kanyang programa.

Sa mga sumunod na pahayag ni Ogie, binanggit niya ang pagbabago sa aspeto ng pribadong buhay ni Paulo bago pa dumating si Kim Chiu sa kanyang buhay. Hindi raw ito masyadong pinag-uusapan ni Paulo noon.

Laging nanatiling pribado ang kaniyang lovelife,” diin ni Ogie. Ngunit sa kasalukuyan, ayon kay Ogie, mukhang iba na ang sitwasyon lalo na sa presensya ni Kim Chiu.

 “Parang game na game siyang makipagharutan. Game na game siyang makipag-joke. Parang nag-iba na ‘yong landscape ni Paulo,” dagdag pa niya.

Baka naman special talaga si Kim Chiu kay Paulo,” tugon naman ng co-host na si Mama Loi.

Ang mga pahayag na ito ni Ogie Diaz ay agad kumalat at nagtrending sa mga social media platform, subalit, hindi pa opisyal na naglabas ng anumang pahayag o komento ang mga nabanggit na personalidad ukol sa isyu na ito. | Ogie Diaz Showbiz Update/FB | D. Gingco, BChannel News Intern

About Author