Pangungunahan ng Department of Tourism Region 5 at Ako Bicol Partylist, ang pinakaunang Hot Air Balloon Festival sa Bicol na gaganapin sa Lumang Paliparan ng Legazpi sa Albay, sa darating na Mayo 3-5, ngayong taon, ayon sa Philippine Information Agency Region 5.
Tatawagin itong Bicol Loco Festival, kung saan ipapalipad ang mga hot air balloons upang makita ang Bulkang Mayon sa bird’s eye view na anggulo.
“This will be the first time that the sky above the region will be filled with balloons,” ani ni Herbie Aguas, DOT regional director for Bicol.
Ayon pa kay Aguas, makakatulong ang pagdiriwang na ito upang mas mapalawak ang kamalayan sa turismo ng Albay hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo.
“This festivity will surely benefit the local business sector, especially in the tourism amenities, and can help in the local economy,” dagdag pa ni Aguas.
Libre ang admission sa kapistahan para sa unang 25,000 na bisita, at inaasahang dadalo rin ang mga sikat na artista na sina Bamboo at Sarah Geronimo para sa BicoLoco’s mega concert. | J.A Idanan, B.Channel News