fbpx

Karpentero, patay nang makuryente sa Lipa City, Batangas

Patay ang isang 37 anyos na karpentero matapos aksidenteng makuryente sa Brgy.Balintawak, Lipa City, Batangas, bandang alas 3:40 ng hapon noong Linggo.

Nakilala ng Lipa Police Station ang biktima na si Lhoren Velarde, 37-anyos at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng Lipa Police, hihiramin umnao sana ng katrabaho ng biktima ang susi ng motorsiklo ng kanilang amo nang matagpuan nito ang biktima na wala nang buhay at nakahandusay sa loob ng kanilang barracks.

Natuklasan din nito na may nakadikit na plug ng kuryente sa kaliwang kamay ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. | J. Fruelda, BChannel News

About Author