Humakot ng medalya ang mga kabataang Karateka athletes mula sa Lipa City, Batangas sa iba’t ibang kategorya sa ginanap na 18th ASKA Open Karatedo Championship sa Bacoor City, Cavite noong ika-18 ng Pebrero, 2024.

Nasungkit ng JKS-KBPS Lipa athletes na sina Ode Kenshiro, Kaye Anne Bacunawa, at Eduarado Stephen Quezon ang gintong medalya sa Kata at dalawang gintong medalya naman sina Muhammad Jamir Marasigan at Riana Reign Olan sa Kata at Kumite. Nakakuha rin ng gintong medalya si Alfredo Salvatierra sa Open-75 kgs category.
Bukod pa rito, nag uwi rin ng 6 silver medals at 12 bronze medals sa iba’t ibang kategorya ang iba pang karateka athletes ng nasabing team.

Samantala, binigyang pagkilala at parangal naman ni Mayor Eric Africa ang mga nabanggit na Lipeño Karatekas atlethes nitong Lunes, ika- 15 ng Abril, 2024 sa Lipa City Hall Grounds. Ito ay dahil sa angking husay at ipinamalas nilang galing sa nag daang prestihiyosong kompetisyon, kung saan nilahukan ng iba’t ibang delgado mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. | D.B Rupan BChannel News | 📸 Mayor Eric Africa/JKS-KBPS Lipa