fbpx

44-anyos na lalaki, patay nang pagbabarilin sa Cuenca, Batangas

crime scene do not cross signage

Dead on the spot ang isang 44-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa Brgy. 8, Cuenca, Batangas bandang alas 9:13 ng gabi nitong Lunes.

Nakilala ng Cuenca MPS, ang biktima na si Arnel Logo, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cuenca Police Station, habang sakay ng bisikleta ang biktima pauwi ng kanilang tahanan ay pinaputukan ito ng ilang beses ng 3 suspek gamit ang kalibre 45 na baril na nagresulta sa agarang pagkasawi nito.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang tatlong suspek, sakay ng Honda Click na motorsiklo, kulay itim, patungong Alitagtag, Batangas.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Cuenca Police hinggil sa krimen gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng pagpaslang sa biktima. | J. Fruelda, BChannel News

About Author