Hustisya ang panawagan ng mga kaanak at malalapit na kaibigan ng isang 13-anyos na babaeng Grade 8 student nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Banyaga, Agoncillo, Batangas nitong Miyerkules, Abril 17.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Agoncillo Police, habang patungo sa eskwelahan ang biktima na si Jenny Manalo ay lumapit ang suspek saka pinagbabaril sa ulo ang biktima gamit ang 9mm caliber.
Matapos barilin ng suspek ang estudyante, mabilis itong tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya gayundin ang motibo sa pagpasalang at pagkakakilanlan ng suspek.