Patay ang isang 31-anyos lalaki matapos umanong barilin ng di pa nakikilalang suspek sa Sitio Puting Buhangin, Brgy. Biga Calatagan Batangas.
Kinilala ng Calatagan Police ang biktima na si Jay-R Manguiat, tubong Brgy., Sinisian, Calaca City, Batangas.
Ayon sa report ng Calatagan Police, natagpuan ni Sonia Hernandez ang wala nang buhay at duguang katawan ng biktima sa isang duyan sa kanilang tahanan na may tama ng bala sa kanyang ulo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mahuli ang nasa likod ng krimen habang patuloy ang follow-up operation ng Calatagan MPS.