Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos pagsasaksakin ng basag na bote ang kanyang kainuman sa Brgy Kayumanggi, Lipa City, Batangas nitong umaga ng Martes, bandang 7:45 ng ika-23 ng Abril.
Nakilala ang biktima ng Lipa CPS na si Daryl Familara, 24 taong gulang habang ang suspek naman na si alyas Marvin kapwa residente ng Lipa City.
Batay sa imbestigasyon ng Lipa CPS, magkasamang nag-iinuman ang dalawa at mga kaibigan nito nang magsimula ang mainit na tensyon. Dahil dito agad na kumuha ang suspek ng bote kung saan binasag upang gamitin sa pananaksak sa biktima ng tatlong (3) beses.
Nakauwi pa ang biktima sa kanilang tinitirahan upang humingi ng tulong at agad naman dinala sa hospital ng mga kaanak nito at doon ay kasalukuyan na nagpapagaling.
Hinuli ng Barangay Tanod ang suspek at saka dinala sa himpilan ng Lipa CPS at mahaharap sa kasong Frustrated Homicide. | J. Fruelda, BChannel News