Nasawi ang isang Chinese National nang malunod ito habang nagsasagawa ng diving activity sa Brgy. Solo, Mabini, Batangas nitong Huwebes ng umaga dakong alas 10:30, ika-25 ng Abril.
Nakilala ng Mabini MPS, ang biktima na si Shunyan Li, 32 taong gulang at kasalukuyang residente ng Pasay City.
Batay sa imbestigasyon ng Mabini MPS, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang instructor at mga kaibigan sa dagat upang magsagawa ng diving activity.
Subalit ayon sa sinabi ng saksi, ang biktima ay nakaranas umano ng problema sa oxygen upang magdulot ng hirap sa paghinga.
Naisugod pa sa hospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong Dead on Arrival.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang isasailalim naman sa autopsy ang katawan ng biktima. | J. Fruelda, BChannel News