fbpx

Menor de Edad at 48-anyos na Babae, Patay Matapos Saksakin ng Kanyang Live-in Partner sa Sarili Nilang Condo Unit

Duguan ang naging tagpo sa condominium unit ng biktimang si alyas Dena matapos s’yang pagsasaksakin ng kanyang babaeng live-in partner gamit ang isang ice pick, maging ang isang menor de edad na kasama niya sa condo na nadiskubre bandang alas-otso ng umaga ng Huwebes, August 8 sa Brgy. Bayan Luma 2, Imus, Cavite.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Imus Police, nagtaka umano ang kapatid ng biktima dahil hindi ito nagbukas ng kanyang tindahan sa Imus City Public Market, kaya’t minabuti nitong bumisita sa condo ngunit tumambad sa kanya ang mga patak ng dugo sa sahig at dito na n’ya nadiskubre ang walang buhay na kapatid at ang menor de edad na kapwa patay dahil sa pananaksak.

Ayon sa mga nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen, Miyerkules ng alas-dyes ng gabi narinig umano ng mga saksi ang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng biktimang si alyas Dena.

Narekober ang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa krimen habang patuloy pa ring tinutugis ang suspek na kinilalang si alyas Mona, 60-anyos at residente ng nasabing lugar. | A. Toledo, BChannel News

About Author