Patay ang isang 15-anyos na estudyante matapos umanong malunod sa Coastal Bay sa Brgy. Bucana Malaki, Naic, Cavite nitong Huwebes, Agosto 15.
Ayon sa imbestigasyon Naic Police, isang grupo ng mga estudyante, na pawang mga menor de edad, mula Halang National High School ang nagkayayaang mag cutting class para mag-inuman sa Coastal Bay. Habang nasa dalampasigan ang mga ito ay bigla umanong tinangay ng malakas na alon ang nalunod na biktima.
Samantala, matapos ang isinagawa ng Philipppine Sub Station Naic Cavite na Search and Rescue Operation ay natagpuan na ang biktima ngayong Biyernes ng umaga. | D.Rupan, BChannel News