Arestado ang 5 suspek matapos umano ang panghoholdap sa isang nakahimpil na barko sa karagatan ng Barangay Cuta, Batangas City noong April 17.

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, pumasok umano ang mga hindi kilalang lalaki sa barko, nanakot sa crew gamit ang patalim, at tinangay ang ilang metal parts at wiring ng generator.
Agad rumesponde ang Coast Guard at nagsagawa ng hot pursuit operation sa kalapit na lugar. Isa sa mga suspek ang isinuko ng kanyang kaanak, na nagbigay naman ng impormasyon kung saan matatagpuan ang iba pa, kaya nasundan at naaresto ang apat pang kasama.
Dinala na sa kustodiya ang limang suspek at nahaharap sa kasong robbery at grave threats. Sa ngayon, nakakulong sila habang hinihintay ang inquest proceedings.