Opisyal nang itinalaga bilang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Batangas Province si Provincial President-PFP Chessie Berberabe upang subukan na maging susunod na alkalde ng Lungsod ng Batangas.
Kabilang si Berberabe na nanumpa sa isinagawang oath-taking ceremony ng Partido Federal ng Pilipinas sa Lipa City, Batangas noong Setyembre 25, 2024.
Ayon kay Berberabe, hinahangad nila na darating ang araw na wala nang mahihirap na tao na lalapit pa sa kandidato o pulitiko na humihingi pa ng tulong dahil nais nito na ang serbisyo at programa mismo ng gobyerno ang lalapit sa tao para tumulong.
Tiniyak pa ni Berberabe na kung sakaling maluklok siya bilang bagong alkade ng lungsod ay magkaroon ng matibay na programa at magandang serbisyo na mapapakinabangang ng buong Batangueno.
Ilan sa kanyang nais na maipatupad ay ang libreng pagamutan, libreng edukasyon, at sustainable livelihood program sa bawat mahihirap na kababayan.
Aniya, wala itong pipiliin dahil lahat ay tutulungan kung ito’y maluklok sa 2025 midterm elections.
Matatandang September 16, 2024 nang ianunsyo nito na siya ay tatakbo bilang alkalde ng Batangas City. | JMP