Patay ang 14-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng 24-anyos na suspek na lasing dahil sa mainitang pagtatalo nitong Linggo ng gabi sa Brgy Sta Rita Aplaya, Batangas City.
Ayon sa Batangas City Police Station, menor de edad umano ang biktima at ang suspek ay si alyas Ludovico, 24-anyos na lasing ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo.
Sa ulat ng pulisya, pinagsasaksak umano ng suspek ang biktima sa dibdib, gamit ang isang kutsilyo na ikinamatay naman ng biktima.
Agad naman sumuko ang suspek sa pulisya sa Bauan MPS at dinala sa Batangas City Police station para sa tamang disposisyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang inaalam na rin ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.