Dead on Arrival ang isang security guard matapos aksidenteng tamaan ng bala sa leeg ng kasamahan nito sa Bucandala, Brgy. Bucandala 4, Imus City, Cavite nitong Linggo, October 6.
Ayon sa imbestigasyon ng Cavite Police, magkasamang naka duty ang suspek na kinilalang si alyas Rolando at biktima na kinilalang si alyas Binlo sa guard house ng isang subdivision. Nang tanggalin umano ng suspek ang kanyang service firearm sa balikat para sumandal sa digding ng guard house nang bigla ito pumutok at aksidenteng tinamaan ng bala ang biktima sa leeg.
Agad namang isinugod ang biktima sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay idineklara ring dead on arrival.
Samantala, inihahanda na ng awtoridad ang mga dokumento para sa kaukulang kaso na kinahaharap ng suspek habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.