Isang aksidente ang naganap sa harap ng Bauan Doctors Hospital, Brgy. Manghinao Proper, Bauan, Batangas bandang 1:50 ng hapon nitong Biyernes, Disyembre 13, 2024.
Ayon sa report ng Bauan Police, isang SUV na minamaneho ng 74-taong gulang na si alyas Petronio ang bumangga sa likurang bahagi ng isang pang SUV, dahilan upang masalpok nito ang isang nakaparadang tricycle.
Sa insidente, natamaan at tumilapon sa semento si alyas Teddy, 24, isang estudyante na idineklarang dead on arrival sa ospital.
Sugatan din ang dalawang pedestrian na sina alyas Bryan, 44, at isang 16-taong-gulang na vendor.
Dinala naman sa ospital ang mga biktima para sa medikal na atensyon. Lahat ng sasakyan ay nagtamo ng pinsala, habang inaresto naman ang driver na si Petronio.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel NEWS