fbpx

Isa Patay, Isa Sugatan Dahil sa malakas na Videoke sa Gen. Trias, Cavite

lighted candle

Patay ang isang lalaki at sugatan ang isa pa matapos ang mainitang pagtatalo tungkol sa malakas na videoke sa Barangay Santiago, Gen. Trias, Cavite, nitong Lunes, Enero 6.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas James, 34, na nasawi, at alyas Aldrin, 19.

Ayon sa report ng Cavite Police, nag-ugat ang insidente nang sitahin sila ni alyas “Johnson,” isang bantay-bayan sa lugar, dahil sa ingay ng kanilang videoke.

Nagkaroon ng sagutan na nauwi sa suntukan, hanggang saksakin umano ni Johnson ang dalawa.

Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang mga biktima. Binawian ng buhay si James habang ginagamot, at sugatan naman si Aldrin.

Patuloy ang imbestigasyon upang matunton si Johnson na mahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

About Author