fbpx

Estudyante mula sa Batangas, muling nag-uwi ng Ginto mula sa World International Mathematical Olympiad

Isang malaking karangalan ang inuwi muli ng estudyante mula sa Batangas City para sa Pilipinas matapos magtagumpay sa World International Mathematical Olympiad (WIMO) Finals na ginanap sa Shenzhen, China noong Enero 3 hanggang Enero 6, 2025.

Siya ang Grade 4 student na si Rhyo Lincoln Sunico, mula sa Stonyhurst Southville International School, na nakamit ang Gintong Medalya noong Enero 4-5. Siya ay kabilang sa sampung mag-aaral mula sa Pilipinas na nagkamit ng Gold Award mula sa kabuuang 67 delegado ng bansa.

Ang WIMO Finals ay isang prestihiyosong kompetisyon na eksklusibong iniimbitahan ang pinakamahusay na kabataang mathematicians mula sa mahigit 15 bansa.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, ipinamalas ni Rhyo ang kahusayan sa larangan ng matematika at itinanghal bilang isa sa mga natatanging nagwagi.

Kinilala rin ang tagumpay ni Rhyo ng mismong Kalihim ng Edukasyon, si Senador Sonny Angara, na nagbigay-pugay sa kanyang natatanging ambag sa pagpapataas ng dangal ng bansa sa larangan ng edukasyon.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng husay ng mga kabataang Batangueno sa pandaigdigang entablado, at nagsisilbing inspirasyon para sa iba pang mag-aaral na patuloy na magsikap at mangarap. | JMPamintuan | BChannel NEWS

About Author