fbpx

Rider, Patay sa Salpukan ng Motorsiklo at Pickup sa Taal, Batangas

Isang motorista ang patay habang sugatan naman ang isa pa sa isang banggaan sa Brgy. Latag, Taal, Batangas, bandang 8:10 PM nitong Martes, Enero 28.

Ayon sa CCTV records at imbestigasyon ng Taal Police, binabaybay ng isang motorsiklo na minamaneho ni alyas Cyrus, 25-anyos, ng Lemery, Batangas, ang national road patungong Lemery nang sumalpok umano ito sa isang pick up truck na nag-U-turn.

Nagtamo ng pinsala ang driver ng pickup na si alyas McGarrett, 44-anyos, ng Taal, Batangas, at isinugod sa ospital.

Si Cyrus naman ay dinala sa Batangas Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sa panayam ng Balisong Channel News Team sa Taal Police, madilim umano ang lugar nang mangyari ang aksidente.

Naka-detain pa ang driver ng pick-up truck para sa kaukulang imbestigasyon ng naturang aksidente. | BChannel NEWS

About Author