Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa kahabaan ng SLEX Toll Road 4, Brgy. San Bartolome, Sto. Tomas City, Batangas, ayon sa ulat ng Sto. Tomas City Police Station (CCPS).
Sa isinagawang pagpatrolya ng BPSO, kanilang nadiskubre ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakahandusay sa sementadong daan, duguan at may sugat sa ulo.
Ang biktima ay nakasuot ng jersey na may marking na “AKRO”, itim na shorts, at may nylon rope na nakatali sa kanyang mga kamay at paa.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kanyang pagkakakilanlan pati na rin ang posibleng salarin. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente at ang mga nasa likod nito.