Isang rider ang sumemplang sa kanyang motorsiklo matapos mabangga ang isang aso na biglaang tumawid sa highway sa Poblacion, Lobo, Batangas kaninang umaga, Marso 17.
Sa kuha ng CCTV, makikitang binabaybay ng rider ang kalsada nang biglang tumakbo ang aso sa kanyang daraanan.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang rider at bumagsak sa kalsada.
Nagtamo ng mga sugat ang biktima, habang ang aso naman ay nakaligtas at tumakbo palayo.
Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan sa mga may alagang aso na tiyaking nakakulong o nakatali ang kanilang mga alaga upang maiwasan ang ganitong insidente at mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista. | BChannel NEWS