Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa Sitio East Kamias, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City noong Marso 26, 2025, bandang 6:00 PM.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag bandang 9:55 PM hinggil sa insidente.
Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktimang si Deo Ogalde y Golbin at ang suspek na si Alias John. Ilang sandali lang, nakarinig ang testigo ng tatlong putok ng baril bago tumakas ang suspek.
Dinala sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas. Natuklasan din ng pulisya na dati nang nakulong ang suspek noong 2018 at may kasong frustrated murder noong 2022. Patuloy ang hot pursuit operation ng Antipolo CCPS upang mahuli ang suspek. | BChannel NEWS